Advertisers

Advertisers

Bong Go: Maliliit na negosyante, tulungan makaangat

0 5

Advertisers

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat tulungan ang maliliit na negosyante sa kanilang pagsisikap na maiangat ang maliit na negosyo sa gitna ng iba’t ibang hamon sa ekonomiya.

Nagsagawa kamakailan ang Malasakit Team ni Go ng relief activity para sa mga nahihirapan na may-ari ng maliliit na negosyo sa Masbate City noong Biyernes.

Nakipagtulungan ang opisina ni Go kay Mayor Socrates Tuason at Provincial Board Member Allan Cos para magbigay ng suporta sa mga kwalipikadong benepisyaryo.



Sinuportahan din ni Congresswoman Ara Kho ang inisyatiba. Idinaos sa New City Hall Building function hall at Sangguniang Panlalawigan Session Hall, tinulungan ni Senator Go ang nasa 28 benepisyaryo na nakatanggap ng ayuda mula sa kanyang Malasakit Team.

Samantala, nakipagtulungan si Go sa pambansang pamahalaan upang magbigay ng sustainable livelihood assistance na maaaring makatulong sa kanila sa pagsisimula ng mga bagong negosyo.

“Sa pamamagitan ng programang ito, mabibigyan ang maliliit na negsyante ng puhunan, tuturuang magnegosyo at tutulungang palaguin ito,” sabi ni Go.

“Mas masarap nga naman ang pakiramdam kapag pinaghirapan at pinagpawisan ang pagnenegosyo sa tamang paraan. Dalhin ninyo ang kita sa inyong mga pamilya at gamitin ito nang tama para makaahon po tayo sa paghihirap na pinagdadaanan natin ngayon,” dagdag niya.

Sa kanyang mensahe, itinampok ni Go ang Republic Act 11960, kilala rin bilang One Town, One Product (OTOP) Act na kanyang co-sponsored at isa sa mga may-akda sa Senado.



Ang programang OTOP ay nagtataguyod ng pambansang pagmamalaki sa mga produktong gawang Pilipino habang nagbibigay sa maliliit na prodyuser ng mga paraan upang palawakin ang kanilang abot sa merkado.

Sa pamamagitan ng pagtutok sa mga lokal na espesyalidad, ang programa ay naglalayong itaas ang kabuhayan ng mga komunidad at mag-ambag sa pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“Kapag ang mga komunidad ay nangunguna sa pagbuo ng produkto, nakikita natin ang mas napananatili at may kaugnayan sa kultura na mga resulta. Ito ang layong makamit ng OTOP,” dagdag ni Go.