Advertisers
Arestado ang isang high value individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit-Southern Police District (DDEU-SPD), District Intelligence Division-SPD (DID-SPD), District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD), Philippine Drug Enforcement Agency-Southern District Office (PDEA-SDO), Pasay City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), at ng Sub-station 3 Libertad nitong Linggo ng hapon, Mayo 26.
Sa report na natanggap ni SPD director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete, kinilala ang nadakip na si alyas Noknok, 37.
Sinabi ni Rosete, naganap ang pag-aresto kay alyas Noknok ala-1:00 ng hapon sa Barangay 75 Zone 10, Pasay City.
Ayon kay Rosete, sa isinagawang operasyon narekober sa posesyon ni alyas Noknok ang 300 gramo ng shabu na nakalagay sa tatlong medium size plastic sachets na nagkakahalaga ng P2,040,000.
Kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article 2 Republic Act 9165, (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na kasalukuyang nakapiit sa DDEU custodial facility.