Advertisers

Advertisers

BIFF terrorist patay, mga bomba nasamsam Maguindanao del Sur

0 12

Advertisers

Nasawi ang isang kasapi ng teroristang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasawi sa ginawang military air strikes nitong Sabado, May 25, 2024, sa Barangay Butilen sa magulong bayan ng Datu Salibo sa Maguindanao del Sur.

Nasamsam naman ng mga tropa ng iba’t-ibang units ng 6th Infantry Division ang mahigit sa isang dosenang mga improvised explosive devices sa isang kubo sa naturang lugar matapos ang palitan ng putok kasunod ng ginawang air attack.

Isinagawa ang naturang calibrated anti-terror operation ng 6th Infantry Division ng mag-sumbong ang mga local officials at barangay leaders sa Salibo hinggil sa presensya ng mga teroristang BIFF Barangay Butilen.



Pinasalamatan ni Major Gen. Alex Rillera, 6th ID commander, ang mga residente ng Barangay Butilen at mga local officials sa Salibo sa maagap na pag-report ng presensya ng mga terroristang BIFF sa naturang barangay kaya naisagawa ng operation na nagresulta sa pagkasawi ng isang terorista at pagkakakumpiska sa mga nakaimbak na IEDs ng grupo.