Advertisers

Advertisers

PNP chief Sinas: BMI monitoring sa mga pulis ibabalik

0 233

Advertisers

TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ibabalik ang istriktong pagpapatupad ng Body Mass Index (BMI) monitoring sa mga pulis.
Sa press briefing nitong Linggo, Nobyembre 22, sinabi ni PNP Chief General Debold Sinas na sinuspinde ang BMI monitoring bago siya maging hepe ng pambansang pulisya dahil sa banta ng COVID-19.
Kinausap na aniya niya ang PNP Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) para matulungan ang mga obese na pulis.
Giit pa ni Sinas na kaya sila nag-develop ng 4-minute exercise ay upang maiwasang maging obese ang mga pulis.
Ibinahagi rin ni Sinas na sa nakalipas na tatlong buwan, istrikto niyang sinusunod ang kaniyang diet at ehersisyo.
“Kung kinaya ko at the age of 55, I don’t think ‘yung mga younger sa akin, hindi nila kakayanin,” ani pa Sinas. (Josephine Patricio)