Advertisers

Advertisers

Covid update: 135 gumaling; 50 nasawi; 1,799 bagong kaso

0 215

Advertisers

UMABOT na sa kabuuang 420,614 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa matapos madagdagan pa ng 1,799 nitong Lunes, Nobyembre 23, batay na rin sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH).
Nadagdagan naman ng 135 ang mga gumaling sa sakit dahilan para umakyat na sa 386,604 ang recoveries.
May 50 namang bagong pumanaw sa sakit kaya ang kabuuan na ng Covid-19 related deaths ay nasa 8,173 .
Habang 25,837 ang aktibong mga kaso kung saan 91.3% ang mild at asymptomatic.
Kabilang sa mga probinsya at syudad na nakapagtala ng mataas na kaso ng Covid-19 ngayong araw ay ang Cavite,154; Rizal,114; Quezon City,99; Bulacan,76 at Laguna,67.
Kaugnay nito, nagpaalala ang DOH na wala pang aprubadong bakuna sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)