Advertisers

Advertisers

Sueldo ng nurse ipinanukalang doblehin para di umalis ng Pinas

0 269

Advertisers

PINADODOBLE ni Committee on Health Vice Chairperson at ANAKALUSUGAN Partylist Rep. Mike Defensor ang sweldo ng mga Filipino nurses upang hindi umalis ang mga ito ng bansa pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
Kasunod na rin ito ng pag-alis sa temporary ban ng overseas deployment ng Filipino nurses at iba pang health professionals.
Ayon kay Defensor, tiyak na kikilos ang mayayamang bansa para palawakin ang kanilang public health system capacity sa oras na humupa ang pandemic sa pamamagitan ng pagre-recruit ng mas maraming Pinoy nurses.
Mungkahi ng mambabatas, gawin nang P60,901 ang starting pay ng mga bagong nurses sa public at private hospitals upang mahikayat ang mga ito na hindi na umalis ng Pilipinas.
Sa ilalim ng inihain nitong House Bill 7933, mula sa Salary Grade 15 ay itataas sa Salary Grade 21 ang entry level salary ng mga nurse sa bansa.
Ibig sabihin, oras na maisabatas, susundin ang salary grade batay sa RA 11466 o Salary Standardization Law of 2019 kung saan, epektibo January 1, 2021 mula sa P33,575 ay tataas na ito sa P60,901 at maaaring umabot ng hanggang P63,997 pagsapit ng January 1, 2023.
Sa kasalukuyan, ang mga nurses na nagtatrabaho sa mga DOH-hospitals ay nakakatanggap ng P32,053 na starting pay sa ilalim ng Salary Standardization Law for civil servants.
Suportado rin ni Defensor ang hiwalay na panukala ni Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez, na naglalayon itaas din ang entry level salary ng mga physicians o manggagamot sa Salary Grade 24 o katumbas ng P86,742 na buwanang sweldo. (Henry Padilla)