Advertisers

Advertisers

V- ALERT MOBILE APP SA VALENZUELA, PALALAKASIN ANG PAGTUGON SA SAKUNA AT EMERGENCY RESPONSE

0 7

Advertisers

Mas pinaganda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito ang V-Alert Button.

Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis na makapagbibigay ng daan  sa mga serbisyong pang-emergency sa isang tap lamang sa iyong smartphone.



Ang nasabing app ay isa sa malaking game-changer na nag-aalok ng agarang koneksyon sa mga mahahalagang serbisyo kabilang ang ambulansya, fire station, police assistance, women and child protection, animal rescue, traffic management at waste management.

Ang V-Alert Button ay kasama sa pangako ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na unahin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Valenzuelano.

Ayon kay City Mayor Wes Gatchalian, sa pamamagitan ng paggamit nito, binibigyan ang komunidad ng oportunidad na kontrolin ang kanilang kaligtasan dahil mabilis na ang pagresponde sa kahit ano mang sitwasyon o sakuna.

Pinakilala ang V-Alert Button sa unang TECH-TALK Valenzuela Digital Summit noong Mayo 22, 2024 sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela Assembly Hall na naglalayong hikayatin ang mga Gen-Z Valenzuelanos sa paggamit ng mobile app nang responsable at turuan ang kanilang mga pamilya tungkol sa mga benepisyo nito.

Upang magkaroon ng V-Alert Button App nang libre , buksan lamang ang App Store o Google Play Store upang ito ay mai-download.



Maaring panoorin ang informative video sa YouTube sa V-Alert, isang tap lang ang tulong upqng mabilis na matutunan ang paggamit nito.(Beth Samson)