Advertisers

Advertisers

Buking ni Sec. Año!: ILANG MAYORS SANGKOT SA ILLEGAL LOGGING

0 273

Advertisers

TINUKOY ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang mga alkalde ang sangkot umano at nakikipag-sabwatan sa mga illegal miners at loggers kaya malayang nakakapagsagawa ang mga ito ng operasyon sa kanilang mga nasasakupang lalawigan na siyang isinisisi sa malawakang pagbaha sa ilang lugar sa Luzon.
Nabatid kay Año, ilan sa local government officials ay direkta at hindi direktang nagbebenepisyo mula sa mga iligal na aktibidad.
“Meron mga instance na ganun, pero ‘di naman lahat. Merong hindi naman siya kasabwat, pero alam nila (Mayors na konektado) na may mga operasyon ng illegal mining and logging activities sa kanilang mga hurisdiksyon. Alam mo na, baka nagbibigay din ng pondo sa kampanya, sumusuporta sa kandidatura,” ayon sa kalihim.
Kaugnay nito, una nang inatasan ni Año si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas, at Department of the Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng ‘crackdown’ sa lahat ng uri ng illegal logging at mining sa mga lugar na nasalanta ng bagyo partikular sa Cagayan, Isabela at Kabikulan na sinasabing dahilan ng malawakang pagbaha sa mga lalawigan.
“Dapat paigtingin ito nationwide sa pangunguna dapat ng DENR supported by the Armed Forces of the Philippines at saka Philippine National Police. This time, dapat istrikto talaga tayo. Walang perso-personalidad dito, kahit politician ka,” sabi Año.
PInayuhan din ni Año ang mga residente na maging ‘wise’ kung sino ang dapat nilang iluklok sa local government officials at piliin ang alam nilang seryoso sa pagbibigay serbisyo sa kanilang constituents.
Magugunitang nakaranas ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley, Bicol, Marikina, Rizal at iba pang parte sa bansa nang manalasa ang sunud-sunod na super typhoon Quinta, Rolly at Ulysses at ang dahilan ay ang mining, logging, at quarrying. (Boy Celario)