Advertisers

Advertisers

Mga baril at pampasabog ng NPA nadiskubre sa Cagayan

0 239

Advertisers

Cagayan – Nadiskubre ng militar ang mga itinatagong malalakas na uri ng armas ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Mabuno, Gattaran, Cagayan.
Ayon kay Major Jekyll Julian Dulawan ng 5th Infantry Division, isang residente ang nagturo sa pinagtataguan ng mga armas sa naturang lugar kung kayat agad tumugon ang mga otoridad.
Ang natuklasang kaban ng mga armas ay naglalaman ng M16 rifle, 4 shotguns, grenade rifle, 4 bala ng mortar, mga granada, maraming bala, blasting caps para sa IED, hand held radio at ammonium nitrate na ginagamit sa paggawa ng mga pampasabog na nakalagay sa plastic tube.
May nakuha rin na watawat ng NPA mga propaganda at mga damit pambabae.
Sinabi ni Dulawan na posibleng ang Eastern Committee ng Komiteng Probinsiya ng Cagayan ang nagtago sa nasabing mga baril at pampasabog.
Kamakailan ay may natuklasan ding na kahon ng mga armas sa San Mariano, Isabela na itinago rin umano ng mga rebelde. – REY VELASCO