Advertisers

Advertisers

P13m shabu nasamsam sa 3 tulak sa Bacolod

0 203

Advertisers

AABOT sa P13 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation sa Bacolod City nitong Lunes, Nobyembre 23.
Kabilang sa mga nahuli ng Philippine National Police – Drug Enforcement Unit ang 2 babae at isang lalaki.
Nangyari ang operasyon sa may Barangay Singcang Airport 6:00 ng gabi.
Nakuha sa 3 nadakip ang nasa 2 kilo ng shabu na nilagay sa bote ng mga gatas.
Itinuturing ng mga awtoridad na “big-time” suspects ang mga nahuli.