Advertisers
Personal na nagbigay ng tulong si Senador Christopher “Bong” Go sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Legazpi City at Daraga, Albay, gayundin sa mga miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa Bicol Region.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng patuloy na suporta ng gobyerno para sa mga Pilipino, partikular sa mga kabuhayan na naapektuhan ng iba’t ibang krisis.
Idinaos sa Albay Astrodome sa Legazpi City, pinuri ni Go ang pagsisikap ng mga lokal na opisyal na naroroon, sa pangunguna ni Gobernador Grex Lagman at Legazpi City Councilor Carol Ziga at iba pa, para tiyakin na ang kanilang mga nasasakupan ay matulungan.
Hinikayat sila ni Go na ipagpatuloy ang pagpaunlad sa Legazpi City at sa buong lalawigan ng Albay.
“Ako po’y nagpapasalamat sa inyo. Ako po’y hindi politiko. Magtatrabaho lang po ako para sa Pilipino sa abot ng aking makakaya. At kahit saang sulok kayo ng Pilipinas pupuntahan ko kayo basta kaya po ng aking katawan at panahon,” ani Go.
Si Go, at ang kanyang Malasakit Team ay namahagi sa mga miyembro ng TODA ng grocery packs, meryenda, bitamina, masks, kamiseta, bag, basketball, at volleyball.
At sa pagtutulungan nina Senator Go at Gobernador Lagman, nasa 2,000 kwalipikadong miyembro ng TODA ang nakatanggap ng suportang pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.
Nakatanggap din ang mga miyembro ng kooperatiba ng tulong mula kay Senator Go.
Ang mga miyembro ng 23 kooperatiba mula sa Bicol region ay nakinabang sa ‘Malasakit sa Kooperatiba’ program ng Cooperative Development Authority na itinaguyod ni Senator Go.
Sa 2024 budget, itinaguyod ni Go na madagdagan ang pondo para sa Cooperative Development Authority Human Capital Development Program for Cooperatives. Kabilang dito ang tulong pinansyal na P50,000 kada micro o maliit na kooperatiba sa ilalim ng Malasakit Sa Kooperatiba Program.
Si Go ay co-author at co-sponsor ng Republic Act No. 11502, o ang National Cooperative Month Act, na nagtatalaga sa Oktubre bilang National Cooperative Month. Siya rin ang co-author at co-sponsor ng RA 11535, isang batas na nag-uutos sa paghirang ng isang Cooperatives Development Officer sa munisipalidad, lungsod, at provincial na antas.
Noong araw ding iyon, dumalo si Go sa inagurasyon ng New Legazpi Evacuation Center, na sinuportahan niya bilang Vice chair ng Senate finance committee, at sa 2nd Bicol Social Media Summit 2024.
Naging inspirasyon din siya sa mga mag-aaral at ibinahagi ang kahalagahan ng edukasyon sa mga Pilipino sa commencement exercises ng Southern Luzon Technological College Foundation Inc.