Advertisers

Advertisers

CEB AT AIRWORKS AVIATION ACADEMY, NAGLALAYONG MAGBIGAY NG TRABAHO SA MGA ‘ASPIRING PILOTS

0 52

Advertisers

ANG Cebu Pacific Air (CEB) at Airworks Aviation Academy ay nagkasundo noong Huwebes (Hunyo 6 ) para gawing pormal ang kanilang partnership sa Cadet Pilot Program. Ang programa ay naglalayong magbigay ng mga naghahangad na piloto ng pagsasanay, pagtuturo, at garantisadong mga pagkakataon sa trabaho sa airline.

Ang pagpirma sa Cebu-based flight training school, na ginanap sa NUSTAR sa Cebu City, ay dinaluhan nina Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Manuel Antonio Tamayo at Lapu-Lapu City Councilor Joseph Pangatungan.

Ang CEB Cadet Pilot Program ay 96-week self-funded program na nagsasanay sa mga kandidato na maging mga lisensyadong commercial pilot, ayon sa airline.



Ang unang yugto ng aplikasyon ay mula Hunyo 7 hanggang 13, 2024 sa pamamagitan ng CEB’s official communication platforms, kung saan, ang isang link sa official application form ay maa-access ng lahat ng interesadong aplikante.

Ipinapakita ng data mula sa International Air Transport Association (IATA) na ang bawat trabaho sa air transportation industry ay sumusuporta sa 29 iba pang trabaho sa turismo, supply chain, at iba pang nauugnay na sektor.

Ipinahayag ni Airworks Aviation President Vincent Charles Ong ang kanyang pag-asam para sa programa ng pagsasanay.

Sinabi niya na ang programa ay magbibigay sa mga naghahangad na piloto ng paraan upang matupad ang kanilang mga pangarap sa pinaka competitive cost and incentives.

Sinabi ng budget carrier na ang mga matagumpay na kandidato ay iimbitahan na dumalo sa isang panel interview sa CEB. Pagkatapos nito, ang mga pumasa sa panel interview ay ire-refer sa isang partner health facility para sa isang medical assessment.



Ang mga kandidatong nakakumpleto ng lahat ng mga medical assessment ay ilalagay sa isang batch ng pagsasanay, na napapailalim sa kasunduan ng mga tuntunin at kundisyon ng Cadet Pilot Program.

Ang programa ay binubuo ng tatlong yugto: ang unang yugto ay kinabibilangan ng apat na linggong Aviation Foundation Course na ginanap sa Pasay City; kasunod nito, dadalo ang mga kadete sa Airworks Aviation Academy sa Mactan International Airport para sumailalim sa Basic Flight Training sa loob ng 68-weeks ; at sa huli , ang mga kadete ay babalik sa Pasay City para sa Airline Integration Training na tumatagal ng 24 na linggo. (JOJO SADIWA)