Advertisers

Advertisers

60-anyos na babae natagpuan sa bunganga ng buwaya

0 6

Advertisers

NASA bunganga pa ng buwaya nang matagpuan ang isang babae sa Barangay Malitub, Bataraza, Palawan, Miyerkules ng umaga, Hunyo 5.

Kinilala ang biktima na si Monelba Sariol, 60 anyos, may asawa, residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng Bataraza Police, 10:00 ng umaga, naglaba sa ilog ang biktima ngunit pagsapit ng 11:00 ng umaga, nakita na lamang siyang walang buhay sa bunganga ng buwaya.



Nakekober ang katawan ng biktima ala-una ng hapon na may layong isang kilometro kungsaan siya huling nakitang buhay.

Hindi nabanggit sa police report kung anong parte ng katawan nito ang kinain ng buwaya at anong parte ang natira.