Advertisers

Advertisers

Bilyones na hinahakot ng mga ‘paihi lord’ HOUSE/SENATE INQUIRY VS SMUGGLING, BURIKI, COLORUM VAN IPINANAWAGAN!

0 1,143

Advertisers

By: CRIS IBON

KASUNOD ng pagbubunyag sa malawakang nakawan at smuggling ng petroleum products na umabot sa bilyones na halagang nahahakot ng mga “buriki lord”, hiniling ng grupo ng CALABARZON-based anti- crime and vice crusaders sa mga miyembro ng Senate at House Committee on Energy na tanggalan ng maskara at kasuhan ang higit sa 30 indibidwal na lider ng grupo ng sindikato na nag-ooperate sa Region 3, Region 4A at National Capital Region (NCR).

Ipinagdiinan ng gupo na magsagawa ng masinsinan at agarang pagsisiyasat laban sa talamak na smuggling at pilferage ng produktong petrolyo ng sindikatong tinagurian “economic saboteurs”, na dahil sa garapalang pagnanakaw ay napapalusutan ang pamahalaan ng bilyon bilyong buwis.



Sa kanilang sumbong at panawagan kina Senate Committee on Energy Raffy Tulfo, House Committee on Energy at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco, liban sa halaga ng produktong ninanakaw ng sindikatong buriki mula sa mga tanker truck hauler operator ay posibleng umabot sa bilyones na halaga ng salapi sa porma ng buwis at taripa na nararapat na naiilak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang sa halip ay naibubulsa ng mga sindikato at ng kanilang protektor.

Kinilala ang 20 sa 30 aktibong grupo ng sindikato, dalawa sa mga ito ay pansamantalang naparalisa ang operasyon nang salakayin ang kanilang mga kuta ng Region 4-A National Bureau of Investigation (NBI) District Office, at Batangas NBI Field Office sa dalawang magkakahiwalay na dragnet operations sa Brgy. Dalig, Batangas City; at Brgy. Kawit sa Taal, kapwa sa lalawigan ng Batangas.

Hindi ibinunyag ng tanggapan ng NBI Region 4A, Lipa City at ng NBI Field Office sa Batangas City ang mga pangalan ng mga naaresto sa naunang raid sa Brgy. Dalig, at maging sa ikalawang pagsalakay sa isa pang kuta ng buriki sa Brgy. Kawi.

Nakumpirma na ang maintainer ng burikian/paihian sa Brgy. Dalig ay ang magkasosyong alyas “Sgt. Lucky” alyas Lakatan at isang alyas Baldo, na may walong buwan na nakapwesto sa kahabaan ng Brgy. Dalig Bypass Road ng naturang siyudad.

Kapwa nakatakas ang dalawang suspek bago pa man naisagawa ang raid. Sina alyas Sgt. Lucky, isang aktibong miyembro ng Calamba City Police Office; at alyas Baldo ay iniulat na mga dummy ng notorious na “Violago Buriki Group” na nakabase sa lalawigan ng Bulacan, ngunit malaya at tila legal na nakapag-o-operate sa mga probinsya ng Bataan, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales. Tatlong tauhan ng mga ito ang naaresto at nakumpiska ang maraming plastic container at drum na sisidlan ng mga produktong petrolyo at ‘di pa matiyak na kantidad ng mga nakaw na petroleum products.



Sa pangalawang pagsalakay ng NBI sa kuta ng sindikatong ino-operate sa Brgy. Kawit ng magkalaguyong vice mayor, apat na ‘di pa pinangalanang indibidwal ang naaresto ng NBI.

Inaasahang papangalan na ng NBI ang babaeng bise alkalde at ang kalaguyo nitong isa ring vice mayor na siyang pinaniniwalaang nasa likod ng matagal naang pilferage activity sa hurisdiksyon nina Taal Mayor Fulgencio “Pong” Mercado at Police Chief Capt. Rommel Magno.

Nakumpiska sa kuta ng dalawang Batangas vice mayors ang mga plastic container, drum, water pump na gamit sa pagsipsip ng petroleum product, mga LPG tank, malaking kantidad ng nakaw na produktong petrolyo at iba pang ebidensya. Ipaghaharap ang mga ito ng kasong Qualified Theft sa Batangas Prosecutor’s Office. Hamon sa liderato ng kauupong Batangas PNP Provincial Director, Colonel Jacinto “Jack” Malinao, kung paano masusugpo ang operasyon ng mga naturang ilegalista na umano’y may kakutsabang ilang PNP personnel at tong collector.

Ang iba pang burikian na kilala bilang paihi, patulo, pasingaw at paawas na hinihinalang protektado ng ilang matataas na opisyales ng pulisya, NBI at iba pang awtoridad ay ang ino-operate ng Cebu-based na si alyas “Dondon Alahas” at ang kapatid nitong si Niño, na bukod sa nagmamantine ng kuta sa Brgy. Aguila, sakop ni San Jose, Batangas Mayor Bien Patron, ay lantaran ding nakapagdidiskarga ng smuggled na krudo at gasolina sa Batangas City Pier, Brgy. Sta Clara, Batangas City.

Ilang araw lamang ang nakaraan ay nagawang madiskarga ni Dondon Alahas ang malaking kantidad ng smuggled na diesel at gasoline products mula sa kinalululanang barge sa daungang malapit lamang sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Batangas City Port.

Mula sa barge ay malayang naipakarga ni Dondon Alahas sa mga nag-aabang na tanker truck ang smuggled na petroleum product “sa mismong ibabaw lamang ng tungki ng ilong” ng BOC at Maritime Police na pawang may mga opisina sa loob ng Batangas Port Zone.

Ang isa pang grupo ng sindikato na pinamumunuan ng isang alyas “Buloy” at ng kasosyong PNP Colonel ay nag-o-operate ng burikian malapit lamang sa main gate ng pier sa lote na pag-aari ng isang Chinese Mestizo na si Tan.

Ang grupo ni Buloy at ng protektor nitong police colonel ang nagpapatakbo ng higit sa 500 colorum van sa pier ng Batangas, na mga private security guard pa ang umaaktong dispatcher at barker ng mga walang prangkisang passenger van. Butaw o kotong na P800 ang sinisingil ni alyas Buloy sa kada colorum van driver na dalawang beses na bumabyahe mula sa pier patungo sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Metro Manila.

Sa tinatayang mahigit 5,000 unit ng colorum van na paroo’t parito sa buong CALABARZON area, aabot sa P8m butaw o payola ang araw-araw na nakokolekta ng mga protektor tulad ni Buloy ng kasosyong police colonel, at mga kasabwat pang sina alyas Sgt. Laysa alyas Luisa, Toto at Alakdan.

Pinaniniwalaan na kalahati ng tong koleksyon ay napupunta sa bulsa ng mga “kapustahan” (police tong collector) na inorganisa ang isang alyas “Maklang” at alyas “Wano” sa opisina ng Camp Crame PNP Headquarters upang pangasiwaan ang “tara” mula sa sindikatong buriki, petro at oil smuggling, colorum van, illegal terminal at mga vice operations.

Ang mga burikian na lingguhang nakapayola kina “Maklang” at “Wano” ay minamantine nina Ed at Rico sa Brgy. Bulihan, Malvar; alyas RR sa Brgy. Bawi, at alyas Roy F. sa Brgy. San Felipe sa Padre Garcia, Batangas; mga miyembro ng Calamba City Police na si alyas Sgt. Gerry sa Brgy. San Isidro, at Brgy. Malabanban Sur sa Candelaria; at Brgy. Lumingon sa Tiaong; alyas Bong sa likod ng Roadside Inn, Brgy. Isabang; at Troy sa Brgy. Salinas, sa Lucena City; at Sammy at Alfred sa Brgy. San Luis, Guinyangan, na pawang nasa hurisdiksyon ni Quezon PNP Provincial Director, Col. Ledon Monte; alyas Ador sa Brgy. Turbina; at dalawa pang katulad nitong pwesto sa Brgy. Paciano Rizal sa Calamba City; at sa Silangan Exit, Cabuyao City na ino-operate ng kapatid ni alyas Ador. May dalawa pang kuta ng buriki sa lalawigan ng Cavite at dalawa sa Rizal Province.