Advertisers
NASABAT ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP – PDEG) ang P235 milyong halaga ng Ketamine mula sa dalawang Pakistani sa buy-bust operation sa Roxas Boulevard, Barangay 699, Malate, Maynila, Huwebes ng gabi.
Sa ulat ni PDEG Director, Brigadier General Eleazar Matta; kay PNP Chief, General Rommel Francisco Marbil, kinilala ang mga naatimbog na Pakastani na sina Zahid Rafique Pasha, 50 anyos; at Muhammad Faheem, 57.
Nakuha sa mga dayuhan ang 47 kilos ng ketamine, na isang “hallucingen”, buy-bust money at 2 sasakyang SUVs.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEG ang dalawang Pakistani na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), habang ang nakumpiskang droga ay dinala sa PNP Forensic Group sa Camp Crame para sa eksaminasyon.(Jocelyn Domenden)