Advertisers

Advertisers

Wanted sa rape, huli sa grad photo ng anak

0 12

Advertisers

NATUNTON ng mga awtoridad ang isang lalaki na 10 taon nang pinaghahanap dahil sa kasong rape sa pamangkin nito nang i-post sa social media ang larawan ng graduation ng anak.

Sa ulat, natunton ng mga pulis sa Aklan ang suspek na may kinakaharap na kasong rape sa Quezon.

Kabilang ang suspek sa mga “most wanted person” ng Region 4-A.



Taon 2014 nang halayin umano ng 39-anyos na suspek ang kaniyang pamangkin na menor de edad nang mangyari ang krimen sa Pagbilao, Quezon.

“Pinuntahan ng tracker team sa New Washington sa Aklan at napag-alaman natin na itong suspek ay naging tanod. Siya pa yung head ng peace and order council sa barangay na ‘yon,” ayon kay Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Regional Office 4A regional director.

Mula sa Aklan, inilipad na sa Quezon ang suspek para paharapin sa kaniyang kaso. Wala pa siyang pahayag.

“Yung ten years na nagtago ang suspek na ito, nagbago na ang mukha niya. Nahirapan ang mga operatiba natin,” ani Lucas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">