Advertisers

Advertisers

Mommy ibinebenta ng P60K ang 2 anak sa online, huli!

0 11

Advertisers

ARESTADO ang 23-anyos na mommy sa pagbebenta ng kaniyang dalawang anak sa online sa Northern Samar.



Sa ulat, ipinagbibili ng ginang ang kaniyang 2-buwan na sanggol at 2-taon anak na babae sa halagang P60,000.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang ina.

Binuo ang technical working group (TWG) na binubuo ng NACC, Philippine National Police (PNP), at Department of Information and Communications Technology Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICT-CICC) upang pigilan ang tumataas na kaso ng illegal adoption at online na pagbebenta ng sanggol.

“Out of the 23 Facebook sites, meron kaming 4 nakita na merong transactions. Na-operate namin tatlo na yata. Dito sa tatlong ito, meron tayong arrest at rescue,” ani PNP-WCPC Director Police Brigadier General Portia Manalo.

“The first na-operate namin P90,000 – P50,000 sa nanay, P40,000 sa middleman”, ani Manalo.

Patuloy na binabantayan ng CICC ang internet sites na may kinalaman sa ilegal na aktibidad.

Nagbabala rin ang NACC laban sa iligal na pag-aampon.