Advertisers
ASAHAN ang muling pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ngayong araw ng Martes.
Batay sa abiso ng mga oil companies, asahang bababa ng hanggang P.60 ang presyo ng gasolina habang P1.20 ang posibleng ibababa ng kada litrong presyo ng diesel.
Para sa Kerosene, maaaring matapyasan ito ng P1.30 kada litro.
Noong nakalipas na linggo, bumaba ang presyo ng gasolina ng hanggang P.90 kada litro habang tumaas naman ang presyo ng kerosene at diesel: P.60/L sa diesel habang P.80/L sa kerosene.