Advertisers

Advertisers

NTF-ELCAC patuloy na magbabantay

0 11

Advertisers

Patuloy na magbabantay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang mga partner nito sa anumang balakin ng mga komunidtang-teroristang CPP-NPA-NDF, kahit mahihina na ang mga guerilla fronts nito sa Cagayan Valley at karatig na mga lugar.

Inihayag ito ni NTF-ELCAC Executive Director and Undersecretary Ernesto Torres Jr. matapos manawagan ang Pangulong Ferdinand R. Marcos na maging handa sa ‘external threats’ dahil sa tensiyong ‘geopolitical’ sa Indo-Pacific region.

“Complacency could undermine the progress made and jeopardize the security of the area,” ang sabi ni Torres, na ipinagdiinan din na ang maigting na pagbabantay sa mga kilos ng CPP-NPA-NDF sy magpapatuloy kasama ang ‘terror-grooming’ o’ paghuhubog sa mga bagong recruit ng mga ito sa kabataan na maging terorista.



Sa isang kaganapan sa Isabela province, ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr. ang pagiging malapit na lokasyon ng bansa sa Taiwan, na pinag-iinteresan ng China na mapasa-kanilang muli.

Ito raw ang dapat na tinututukan ng paghahanda ng mga nasa ‘northern Philippines’ sa anumang maaaring mangyari.

Sinabi ng Pangulo na ang lumalalang ‘external threats’ ang dapat pagtuunan ng ‘territorial defense’ laban sa mga banta na manggagaling sa labas ng bansa. Kaya naman inilalagak ng Pangulo ang lahat ng pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapalakas ang kapasidad nito. Kanya rin ipinagdiinan ang pangako ng pamahalaan na ipaglaban at idepensa ang mga teritoryo ng bansa at hi di isusuko ang mga boundary nito, at pangalagaan ang kapayapaan sa.pamamagitan ng mga ‘diplomatic efforts.’

Sa pagtugon sa pabago-bagong ‘geopolitical landscape’ at mga banta, itinalaga ng pamahalaan ang Cagayan bilang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site, sa pakikipag-tulungan ng bansang Amerika, ang pinaka-malapit na ‘military ally’ ng bansa.

Kaya ang misyon ng 5th Infantry Division ay lumawak at napasali ang territorial defense, sa pamamagitan naman ng Joint Task Force (JTF) Tala na siyang magmamasid sa rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at ng Cordillera Administrative Region, sa pakikipag-ugnayan ng iba pang military units upang mapalakas ang ating depensa.



Sa pang-loob na banta din sa seguridad ng bansa na manggagaling naman sa Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) at Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) ay nsririyan pa rin. Ang mga pagsisikap na bantayan ang mga ito, ay nagbunga na sa pagdedeklara na ang mga probinsiya ng Quirino, Nueva Vizcaya, at parte ng Isabela ay mga insurgency-free na.

Tagumpay ang mga tropa ng ating pamahalaan sa pagbubuwag ng mga communist terrorist group (CTG) na siya namang nagpapatunay na nagagawa ng Administrasyong Marcos na malutasan ang ‘internal security challenges.’

Sa ibinaseng updates ng AFP, sinabi ni Torres na lagpas 400 na NPA rebels ang nagapi na sa taon na ito, na ikinabawas sa tinatayang isang libong natitirang miyembro ng grupo. Kasama sa matagumpay na military at police operations na ito ang pagkakahuli sa mga ilang high-ranking CPP-NPA leaders.

Dagdag pa ni Torres, sa 89 active guerrilla fronts noong 2018, siyam (9) na “weakened guerilla fronts” na lamang ang natitira na target ng militar na buwagin na rin ngayong taon. Lima rito ang nasa Luzon at taga-lawa naman sa Visayas at Mindanao.

Kaya naman daw ang fovus ng NTF-ELCAC, ayon sa opisyal, ay bantayang hindi na mskakaporma pa ang mga guerilla fronts sa mga lugar na nabanggit. Sa ganitong paraan, ayon kay Torres, mananatiling mapagbantay ang lahat, upang mapagtagumpayan ang laban sa COP-NPA-NDF.

“Sustaining peace efforts requires a multifaceted approach that addresses the root causes of conflict and vulnerabilities. By prioritizing prevention, protection, and resource management strategies, communities can mitigate the risk of recruitment and exploitation by armed groups, thereby fostering long-term peace and stability,” sabi pa ni Torres.