Advertisers

Advertisers

LADY PROSECUTOR PATAY SA AMBUSH!

0 13

Advertisers

NASAWI ang assistant provincial prosecutor ng Davao Occidental nang pagbabarilin sa loob ng sasakyan sa Digos City, Davao del Sur, Lunes ng hapon (Hunyo 10, 2024).

Kinilala ang biktima na si Atty. Eleanor Polancos Dela Peña, 54 anyos, nakatalaga sa Malta, Davao Occidental Prosecutor’s Office, at residente ng Barangay Aplaya, Digos City.

Sa report, 5:00 ng hapon naganap ang pamamamaril sa Chapter 8, Tienda, Brgy. Aplaya habang papauwi na ang abogada.



Mimananeho ng abogada ang kanyang puting Ford Raptor pick-up nang pagbabarilin ng mga nag-aabang sa kanya.

Nasawi noon din ang biktima sanhi ng tama ng bala sa katawan, habang mabilis na tumakas ang salarin gamit ang isang Honda Click motorcycle.

Sa kasalukuyan, mayroon nang “person of interest” ang mga otoridad sa krimen.

Isa sa mga tinitignan motibo ng krimen ay may kinalaman sa usapin sa lupa.(Mark Obleada)