Advertisers

Advertisers

5 patay sa barilan sa Cavite

0 19

Advertisers

PATAY ang limang indibidwal matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng pulisya at mga hinihinalang miyembro ng kidnapping group sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Bacoor Chief of Police PLtCol Alexie Desamito, plano umanong magsagawa ng akyat-bahay ang grupo sa isang exclusive subdivision sa kahabaan ng Molino Boulevard.

Gayunman, agad itong namataan ng mga awtoridad kaya mabilis na rumesponde ang pulisya.



Nauwi sa habulan ang insidente habang sakay ng kani-kanilang sasakyan ang mga pulis at suspek, na sinundan ng palitan ng putok na ikinasawi ng lima sa hanay ng mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">