Advertisers

Advertisers

Bato dapat nang arestuhin, dalhin sa ICC – EJK victims

0 22

Advertisers

UMAAPELA ang mga biktima ng ‘war on drugs’ sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na agad nang ipatupad ang ‘arrest warrant’ ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Bato Dela Rosa.

Ayon kay Atty. Gilbert Andres, ICC Common Legal Representative for Victims, hiling nila na tuluyan nang maaresto ang naturang mambabatas.

Bukod sa pagpapaaresto, panawagan din ng mga biktima sa gobyerno na i-surrender o dalhin na si Sen. Dela Rosa tungo sa ICC o The Hague, Netherlands.



Sa kasalukuyan ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang puganteng mambabatas buhat nang lumabas ang ‘arrest warrant’ mula ICC.

Ang Department of Interior and Local Government (DILG) naman ay naglagay na ng P50 milyon halaga ng pabuya para sa sinuman makapagtuturo sa lokasyon ng senador.



Ngunit giit ni Atty. Andres, masasabi lamang na episyente ang mga ginagawang aksyon ng gobyerno sa oras na madala sa ICC si Sen. Bato.

Si Sen. Bato Dela Rosa ay isa mga pinangalanan co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasong ‘crimes against humanity’ sa International Criminal Court dahil sa implementasyon ng madugong ‘war on drugs’.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">