Advertisers
TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na minamadali na nila ang paglalabas ng mga hindi pa nagagamit na pondo.
Ito ang tugon ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao matapos na maglabas ang Senado ng resolusyon kung saan pinabibilis nito sa DSWD ang paglalabas ng P83 billion na halaga ng unused funds.
Ayon kay Dumlao, ginagawa na ng DSWD ang lahat ng kanilang makakaya para ipatupad ang iba’t ibang mga programa upang matulungan ang pinaka-mahihirap na pamilya na apektado ng COVID-19, at ng mga nagdaang bagyo.
Aminado rin si Dumalo na mayroon pang P83 billion na pondo na hindi pa naipamamahagi sa mga kuwalipikadong benepisyaryo nito.
Nilinaw ni Dumlao na P75 billion nito ay nakalaan para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang mga programa. (Josephine Patricio)