Advertisers

Advertisers

Babaeng nagsinungaling na hinoldap ng rider, swak sa cyberlibel at perjury

0 23

Advertisers

PATONG-PATONG na mga kasong kriminal ang posibleng kakaharapin ng isang babaeng pasahero matapos nitong bawiin ang kanyang alegasyon na hinoldap siya ng nasakyang rider mula sa isang moto-taxi platform.

Sa isang interbyu, sinabi ni Colonel Samuel Pabonita, hepe ng Pasay City Police, nakaplanong sampahan ng kasong ‘cyberlibel’ ng Move It rider na si Vicente Young si alyas “Annie” dahil sa naranasan niyang pag-aalala at kahihiyan sa social media sanhi ng mga kasinungalingang pinasimulan at ipinagkalat ng naturang pasahero.

Maging ang Pasay PNP ay nakahanda magsampa ng ‘perjury’ case, lalo’t binawi na ni Annie ang maling paratang kay Young at nag-public apology pa ito sa programang “Raffy Tulfo in Action” ni Senator Raffy Tulfo.



“Ito (may) sinumpaang salaysay siya, nag-sworn siya, sinasabi, ganun, nagbibigay siya ng maling impormasyon, it constitutes ah, may pananagutan siya dun, sa atin ay puwede natin siyang kasuhan ng perjury kasi mali ang information na binibigay niya sa atin,” ani Pabonita sa interbyu sa isang TV report.

Kapag napatunayang nagkasala sa mga nasabing kaso, maaaring mahatulan si Annie ng pagkakakulong na maaring umabot ng 10 taon kasabay ng pagbabayad ng danyos.

Sa kanyang Facebook post noong Martes, nanawagan naman si Young sa netizens na maging mapagmatyag sa pagbabasa, pag-react, at pag-comment sa mga social media posts kahit pa galing ang mga ito sa mga accounts o pages na may maraming followers.

“Sa mga agad-agad nanlait sa akin at sa mga kapwa ko rider nung na-post ang peke na kwento, sana maging leksyon to sa tin lahat. Sana bago tayo mag-comment, mag-react, at manghusga base lang sa social media post ay suriin nating mabuti ang mga ito dahil ang mga alegasyon sa social media, maaring kabuhayan at buong buhay na ng isang tao. God bless na lang din sa inyo,” aniya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">