Advertisers

Advertisers

Pundasyon para sa muling pagbangon ng Kristiyanismo sa Europa, inilatag matagumpay na Bible Seminar idinaos ng Shincheonji sa France

0 24

Advertisers

MATAGUMPAY na idinaos ng Shincheonji Church of Jesus (SCJ) Bible seminar nito sa Europa kung saan inilahad ang mga propesiya sa Banal na Kasulatan at mga katuparan nito sa haraap ng 7,000 tao kabilang ang isang libong pastor nitong nakaraang Hunyo 15.

Ayon kay Chairman Lee Man-hee sa salitang Korean: “ Kinakailangan nyong maunawaan ang aklat ng Pahayag at ituro ito sa mga kasapi ng inyong simbahan.”

Nagpahayag naman ng matinding interes ang mga dumalong European pastor na magkaroon pa ng mas malalim na kaunawaan sa Revelation.



Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga European pastor, inaasahan ng SCJ na muling magkakabuhay ang mga simbahan sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-aaral.

”Sadyang napakalalim at nakamamangha ang mga paliwanag sa Book of Revelation.Nais ko pang matuto patungkol sa Bibliya, at kung iimbitahan ako papuntang Korea, maghahanda agad ako ng ticket ngayon,” saad ni Deli Delphine Matondo, pastor ng Full Gospel Church na dumalo sa Bible seminar sa Paris.

Bukod sa kanya, nagpahayag ang karamihan sa mga dumalong pastor sa naturang Bible seminar na nais nilang makapakinig pa tungkol sa aklat ng Pahayag mula sa Shincheonji Church of Jesus.

Naganap ito sa panahon na kailangan ang mga solusyon dahil ang mga kongregasyon sa Europa, kung saan nagsisimula ang Christian revival, ay unti-unti nang nababawasan at ipinagbibili ang mga simbahan upang maging restaurants, bars at clubs. Bahagi ang Bible seminar na ito ng 2024 Bible Seminars by Continent’ na nagsimula sa Pilipinas noong Abril 20, at inihanda bilang pagtalima sa maraming kahilingan ng mga pastor upang makabangon muli ang kanilang mga simbahan sa Europa.

Bago isinagawa ang Bible seminar, isang usapang may paksang ‘the role of pastors for the spiritual enlightenment of Christians in this era’ang isinagawa.



Pagkatapos nito, isang video ng lecture ni Chairman Lee Man-hee, ang‘Shincheonji Bible Seminar, Testimony on the Fulfilled Realities of Revelation’ na ginanap sa Korea nitong nakaraang ika-8 ng buwan ang ipinalabas.

Ang trabaho ng Diyos ay isinasagawa batay sa Aklat ng Pahayag na hindi dapat dagdagan o bawasan. Ako (mga nakikinig sa lecture), kailangan kong malaman kung sino ako sa aklat ng Pahayag,” saad ni Chairman Lee sa kanyang lecture. “Umaasa ako na lahat kayo (mga pastor) ay mauunawaan ang mga salitang ito at maituro ninyo sa mga kasapi ng inyong simbahan. Huwag nyong daragdagan o babawasan ang Aklat ng Pahayag, at kayo mismo ang magturo sa mga kasapi ng inyong simbahan.”

Matapos ang lecture ni Chairman Lee, ipinaliwanag naman ng lider ng Simon tribe na si Lee Seung-ju ang kahulugan at katuparan ng mga propesiya sa Bibliya kung saan siya rin ay may hiniling sa mga pastor.

Ayon kay Tribe leader Lee Seung-ju :, “May kapangyarihang magbigay buhay na magbabalik sa ating pananampalataya ang mga nahayag na salita kaugnay ng katuparan ng Aklat ng Pahayag at kung tataas ang bilang ng mga taong bubuhayin sa imahe at wangis ng Panginoong Diyos, magkakaroon din ng revival (sa mga simbahan ng Europa).”

Inengganyo rin nya sila kung saan sabi niya: “Umaasa ako na pag-aaralan ninyo ang kabanata 1 hanggang 22 ng Revelation sa Zion Christian Mission Center ng Shincheonji Church of Jesus na nakakapagpatapos ng mahigit 100,000 graduates taon-taon at nagtetestify nito.”

Ayon sa datos na tumatantya sa kinabukasan ng Christian population mula sa Center for the Study of Global Christianity ng Gordon-Conwell Theological Seminary sa US, tumaas ang populasyon ng mga Kristiyano sa 560 million noong 2000s, pero hindi na ito tumaas pa ngayong taon at inaasahang babagsak sa 490 million sa 2050.

Kasabay ng modernisasyon at industriyalisasyo ng lipunang Europeo, napunta ito sa secularization, at sa pag-usbong ng liberal theology, nawala na ang mga katuruang base sa Bibliya. Bukod pa rito, nawalan na rin ng tiwala dahil sa mabilis na paglaganap ng atheism, religious pluralism at mga nagnap na clerical scandal, nahihirapan rin ang Kristiyanismo na makabangon, kung kaya sa pamamagitan ng Bible seminar na ito, nagkaroon ng oportunidad para sa pagpapanumbalik ng mga European church.

Ayon sa isang opisyal ng Shincheonji: “Pagkatapos nitong Bible seminar, maraming pastor sa Europe ang nagtatanong sa Shincheonji Church of Jesus kung paano sila makakapag-aral ng Aklat ng Pahayag. Maliban sa paghahanda ng mga lugar at programa kung saan sila makakapag-aral, mas pagbubutihin ng Zion Christian Mission Centers sa iba’t ibang panig ng Europe ang mga center nito at palalawakin ang mga platform kung saan maaari silang makapag-aral.”

Dagdag pa ng opisyal: “Humihiling din ang mga pastor mula sa iba’t ibang dako ng mundo ng karagdagang Bible seminar dahil nais nilang matuto pa patungkol sa Aklat ng Pahayag kung kaya naghahanda kami ng Bible seminar kung saan iimbitahan namin ang mga pastor sa isang Bible seminar sa Korea bago matapos ang taon.” Saad pa niya: Umaasa ako na ito ay magsisilbing lugar kung saan tayo ay magiging kaisa ng Diyos at ng Salita.”

Samantala, ayon sa Shincheonji Church of Jesus, as of June 5 ng taong ito, nagkaroon na ito ng MOU sa 12,538 simbahan sa 83 bansa. Bukod pa rito, 1,341 simbahan sa 41 bansa ang umanib sa Shincheonji at nagpalit ng kanilang pangalan. Dagdag pa rito, umabot na sa 5,614 na ang bilang ng mga domestic at foreign pastor na nag-aaral ng Bibliya sa Zion Christian Mission Center base sa tala nitong katapusan ng Mayo.