Advertisers

Advertisers

VP DUTERTE KUMALAS NA SA GABINETE NI MARCOS

0 8

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malacañang na nagbitiw na si Vice President Sara Duterte bilang cabinet secretary o bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil, 2:21 ng tanghali nitong Miyerkules nang magtungo sa Palasyo si VP Duterte para magpasa ng kanyang resignation letter.

Nag-resign din si Duterte bilang vice chairperson ng NTF-ELCAC epektibo sa Hulyo 19, 2024.



Ayon kay Garafil, tumanggi si VP Duterte na magbigay ng dahilan ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Magpapatuloy parin naman si Duterte sa kanyang tungkulin bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Sinabi ni Garafil, nagpasalamat ang Malacañang sa kanyang serbisyo. (Gilbert Perdez)