Advertisers
TODAS ang dalawang miyembro ng teroristang grupo ng Abu Sayyaf sa sagupaan sa karagatan ng Zamboanga nitong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 25.
Kinilala ang mga nasawi na sina Radi Nalul Tahirin at Abdilla Aspalin habang nakatakas ang kasama nilang si Hassan Alimin, lahat kasapi ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Taluksangay nitong lungsod
Sa report, nagresulta sa isang shootout ang joint intelligence operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP, CID9 at Maritime Police nang manlaban at magpaputok ng mga baril ang mga terorista habang nakasakay sa kanilang pumpboat.
Napag-alaman na may dalang mga pampasabog ang tatlong bandido na may planong pag-atake sa lungsod ng Zamboanga.
Dalawa sa tatlong kasapi ng ASG ang naitakbo pa sa isang ospital sa Zamboanga ngunit idineklara silang dead on arrival ng doktor, habang pinaghahanap parin si Alimin na nakatakas.(Mark Obleada)