Advertisers

Advertisers

SSS pensioners oks na ang pension at 13th month sa Dec. 1

0 295

Advertisers

MATATANGGAP na ng mga pensioner ng Social Security System ang kanilang pension para sa buwan ng Disyembre at 13th month pension simula sa Disyembre 1 ng taong kasalukuyang.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni SSS president at chief executive officer Aurora Ignacio na pinoproseso na ang pondo para mailipat sa Development Bank of the Philippines.
Matatanggap naman aniya ang second batch ng pension sa Disyembre 16.
Samantala, simula naman sa November 27 ay ire-release na ng SSS ang calamity loan package para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses, Rolly at Quinta.
Pero kinakailangan aniya na nasa state of calamity ang kanilang lugar.
Maaari aniyang makapag-avail sa package ang mga miyembro na nakapaghulog ng kontribusyon sa loob ng 36 na buwan.