Advertisers

Advertisers

3 DUTERTE TAKBONG SENADOR; BASTE PARA PRESIDENTE

0 12

Advertisers

INAMIN ni Vice President Sarah Duterte na ikinokonsidera na ng kaniyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagtakbo bilang senador.

Pero maliban sa dating presidente, kakandidato rin bilang senador sina Davao City 1st District Representative Paolo “Polong” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Una nang sinabi ng dating pangulo noong 2021 na balak niyang tumakbo sa Senado, kasabay ng pagnanais na ayusin ang ilang gusot sa kanilang partido.



Samantala, kinumpirma ni VP Sara na naghahanda na rin sila para sa 2028 presidential elections, kungsaan si Mayor Baste ang napipisil na kumandidato sa pagka-presidente.

Sa panig naman ng bise presidente, nagbabalak na lang daw siyang bumalik sa local politics bilang alkalde pa rin ng Davao City.