Advertisers

Advertisers

Killer ng abogado sa Palawan timbog!

0 235

Advertisers

Naaresto na ang mga salarin sa pagpatay kay Palawan lawyer Eric Jay Magcamit, batay sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Ayon kay IBP President Domingo Egon Cayosa, nakasuhan na ang mga pumatay isang linggo makalipas ang brutal na pamamaril kay Magcamit noong November 17.
Sa ulat na nakarating kay PNP chief PGen Debold Sinas, kinilala ang inarestong pulis na si P/SMS Ariel Pareja na kasalukuyang nasa ilalim ng restrictive custody ng Palawan Police Provincial Office.
Kinilala ang iba pang kasama ni Pareja na kinasuhan sa Palawan Provincial Prosecutor’s Office na sina Jazer del Rosario, Marcelino Quioyo at anim na iba pa.
Nabatid kay Mimaropa PNP Regional Director P/BGen. Pascual Muñoz na nagmo-moonlighting si Pareja bilang bodyguard kay Quioyo na nasangkot sa kaso kaugnay sa away sa lupa kung saan tumatayong abogado si Magcamit.
Maliban sa kasong kriminal, inihahanda rin ang kasong administratibo laban kay Pareja base sa kasong murder na kanyang kinahaharap.
Binaril at napatay si Magcamit matapos parahin ng dalawang hindi nakilalang mga salarin ang sasakyan nitong Toyota Innova sa bayan ng Narra sa Palawan habang patungong bayan ng Quezon sa Puerto Princesa City. (Gaynor Bonilla)