Advertisers
DAHIL walang signal ng internet, 2-way radio ang ginagamit na pagtuturo ng mga guro sa isang liblib na barangay sa Kalinga, Tabuk, Apayao.
Ayon sa Department of Education (DepEd), walang internet sa bahagi ng Brgy. Magnao sa Kalinga. Dahil dito, ang paggamit ng two-way radio ang naisip na paraan ng Teacher-In-Charge na si Rafael Gonayan ng Magnao Elementary School para magkaroon ng komunikasyon ang mga guro at mga estudyante.
Ang 2-way radio system ang ginagamit ngayon ng 154 mag-aaral sa eskuelahan.
Pitong guro rin ang araw-araw na nagtutungo sa Magnao Elementaryo School upang magturo gamit ang walkie-talkies.
Habang nagsasagot ng kanilang module, maaring kausapin ng mga bata ang kanilang guro gamit ang two-way radio kung mayroong katanungan ang mga ito.