Advertisers

Advertisers

P340K shabu nasabat sa Valenzuela

0 12

Advertisers

NASA mahigit P300k halaga ng shabu ang nasabat sa isang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, noong Lunes ng umaga.

 



Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naaresto na si alyas ‘Marvin’, 49 at residente ng Caloocan City.

 

Sa ulat ni Col. Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director BGen, Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ng buy bust operation kontra kay ‘Marvin’ 10:30 ng umaga sa 1st St., Brgy., Marulas.

 

Nakumpiska sa suspek ang humigit kumulang na 50 gramo ng shabu na may standard drug price value na P340,000, buy bust money, P300 recovered money, cellphone at sling bag.



 

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa  laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)