Advertisers

Advertisers

3 Tsekwa huli sa P3.4m shabu sa Angeles City

0 11

Advertisers

Nadakip ang tatlong Chinese national ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isinagawang buy bust operation sa Angeles noong Lunes.



Nakilala ang ang mga naaresto na sina Bin Da, 23 years old; 2. Hei Xiao, 21 years old, ng  shanghai bldg; at 3. Gua Xiao, 20 years old, na pawang taga  shanghai bldg., Brgy. Balibago, Angeles City.

Ayon kay PDEA Dir Gen Moro Virgilio Lazo, 10:50 ng gabi nang isinagawa ang buy bust operation ng mga elemento ng PDEA Regional Office 3 sa Shanghai Building, Barangay Balibago.

Isinagawa ang operasyon matapos ang halos isang buwan negosasyon sa mga suspek sa pagbili ng mga iligal na droga  dahil sa sobrang ingat ng mga ito.

Nasamsam sa mga suspek ang mahigit kumulang sa 500 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million, 7 mga iba’t- ibang touch sceen cellular phone, 2 car key mark money na ginamit sa buy bust.

Nasa kustodiya ang mga suspek ng PDEA RO3 na sumasailalim sa imbestigasyon.

Habang ang mga nasamsam na iligal droga isasailalim naman sa pagsusuri.

Sasampahan naman ang tatlong nadakip na mga suspek ng paglabag sa section 5 (sale of dangerous drugs) in relation to section 26B (conspiracy to sell drugs) ng  RA 9165.(Mark Obleada)