Advertisers
Binaril-patay ang isang magsasaka ng mister ng babaeng karelasyon ng una sa Barangay Kulapi, Quezon.
Kinilala ang biktima sa pangalang Jimboy, 24, ng Barangay Malupak; habang patuloy ngayong tinutugis ang salarin na si alyas Mark, 29 ng Barangay Kulapi.
Ayon sa ulat, 3:20 ng hapon inihinto ng biktima ang kanyang motorsiklo sa harapan ng isang tindahan upang bumili ng sigarilyo.
Maya-maya nilapitan ng salarin ang biktima at pinaputukan ng dalawang beses sa ulo na agad nitong ikinamatay.
Naglakad papatakas ang salarin bitbit ang baril na ginamit sa krimen.
Lumalabas sa imbestigasyon na matinding selos ang dahilan ng krimen. Nakarating umano sa kaalaman ng salarin na aover ng kanyang misis ang biktima.