Advertisers
Nalambat ang isang higanteng lapu-lapu sa karagatan ng Romblon.
Sa Facebook post ni Zhea Khaye, makikita ang higanteng isda na pinapalibutan ng ilang kalalakihan.
Ayon sa post, tinatayang nasa 200 kilo ang nahuling isda.
Dahil sa laki ng nasabing isda, nilagyan pa ito ng tali ng mga nakahuli.
Upang maialis sa tubig, pinagtulungan naman ng mga residente ang pagbuhat sa higanteng isda.