Advertisers

Advertisers

Empleyado ng DAR pinagbabaril-patay

0 5

Advertisers

Pinatay ang isang empleyado ng Department of Agrarian Reform (DA) sa Purok Sandia, Brgy. Mambaroto, Sipalay City, Negros Occidental nitong Lunes ng umaga.

Sinabi ng hepe ng Sipalay police na minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang tao.
Isa sa kanila ang gunman at ang isa pinaniniwalaang lookout.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa leeg at ulo ang biktima.



Tinitingnan ng pulisya ang mga kaugnay sa trabaho o sama ng loob bilang posibleng motibo ng insidente.