Advertisers

Advertisers

1,400 ‘KAPUS PALAD’ SA MARIKINA, NABIYAYAAN NG TULONG NI SEN. REVILLA

0 56

Advertisers

MAHIGIT 1,400 katao na kabilang sa ‘Kapus Palad’ ang nabiyayaan ng tulong ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa pamamagitan ng kanyang Maybahay na si Cavite 2nd district Representative Congresswoman Lani Mercado-Revilla sa tulong na rin ng Department of Social Welfare and Development ( DSWD) sa Lungsod ng Marikina.

Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program nabiyaaan ng tulong ni Revilla ang mga kapus palad na ginanap sa Q. Civic Centers Barangay Concepcion Dos Marikina City. Bawat isa sa 1,400 na mga benipisyaryo ay tumanggap ng tig P2,000.

Dumalo din sa naturang pamamahagi ng tulong si Marikina 2nd district Representative Stella Quimbo.



Ayon kay Congresswoman Lani, mahalaga ang mga ganitong uri ng tulong pinansyal upang maibsan kahit papano ang bigat ng gastusin dahil sa nagtataasan na presyo ng mga bilihin.

Samantala, ikinasiya ng kongresista ang tuluyang pagkakapasa bilang isang ganap na batas ng Republic Act No. 12006 o ang ‘Free College Entrance Examination Act’ na iniakda ni Sen. Bong Revilla Jr.

Nabatid na sa tulong nito, mabibigyan ng pagkakataon na maabot ang Quality Tertiary Education ng mga ‘less fortunate’ ngunit matatalinong mga mag-aaral dahil hindi na aniya sisingilin ang mga estudyanteng ito ng entrance examination fees at charges para sa college admission.

Idinagdag ni Revilla na upang mapakinabangan ang bagong batas na ito ay kailangan lamang na natural-born Filipino citizen ang estudyante; mula sa top 10% ng graduating class; at kabilang sa mga mahihirap na pamilya na walang kakayahang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">