Advertisers
NASAWI ang isang sundalo sa bumulusok na Philippine Air Force (PAF) combat utility helicopter sa Lanao del Sur nitong Huwebes, November 27.
Lumipad ang UH-1H Huey chopper patungo sa Barangay Lilitun, Madalum para ilikas ang apat na sundalong sugatan kungsaan isa ang malubha sa combat operation.
Batay sa Army 1st Infantry Division, nasawi ang hindi pa pinangalanang sundalo na nagtamo ng malubhang pinsala habang ang iba naman ay nasa maayos nang kondisyon.
Maging ang Air Force personnel na lulan ng chopper ay binigyan ng medical care.
Samantala, ipinaabot ni1st Infantry Division Commander Maj. Gen. Gene Ponio ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng nasawi.
“We have done everything just to save our wounded soldier the fastest way we can thru our air assets, unfortunately the incident happened,” saad sa pahayag.