Advertisers

Advertisers

Energy Summit na lulutas sa krisis sa elektrisidad, hiniling ng isang NGO sa gobyerno

0 15

Advertisers

NANANAWAGAN sina ILAW National Convenor, Agnes Garcia at Youth Convenor Francine Pradez sa pamahalaan na bumalangkas ng national energy roadmap na may malinaw na hangarin at pamamaraan upang malutas ang suliranin sa kawalan ng sapat na supply ng elektrisidad.

Ang panawagan ng grupong ILAW ay dahil sa negatibong resulta sa negosyo ng pagkawala ng daloy ng elektrisidad sa tatlong pangunahing lungsod sa Bansa na madalas dumanas ng brownouts na isinailalim sa kanilang pag-aaral

Hiniling ng ILAW sa pamahalaan na maging kaakibat ng roadmap ang pagsasagawa ng nationwide energy summit na lalahukan ng mga stakeholders gaya ng electric cooperative, mga negosyante, LGUs na tatalakay sa mga solusyon sa pagkawala ng supply ng kuryente.



Hinikayat din ng ILAW ang pamahalaan na magtatag ng task force on energy na kabibilangan ng lahat ng energy sector na agad tutugon sa panahon nang kawalan ng kuryente.

Ang pahayag ng grupong ILAW ay kasunod ng resulta ng kanilang pag-aaral patungkol sa malalang dulot ng brownouts sa Puerto Princesa City, Baguio City at Tagum City kung saan nalulugi ang mga maliliit at maging ang mga malalaking negosyo hanggang sa magsara at mawalan ng trabaho ang mga trabahador.

Naniniwala ang ILAW na may magagawa pa upang lutasin ang problema sa brownouts sa pamamagitan ng whole of government approach o pagsasama ng lahat ng stakeholders. (CESAR MORALES)