Advertisers
Natagpuang patay ang mag-asawang Australian national at sa pa nilang kasamahan sa isang hotel sa Tagaytay City, nitong Miyerkules ng hapon
Sa report, nagbabakasyon lamang dito sa Pilipinas ang mag-asawang dayuhan.
Ang isa pang biktima, sinasabing kasamahan ng mag-asawa subali’t hindi pa rin matukoy kung Pinoy ito at kung saan ito nakitang patay.
Natagpuang patay ang mag-asawang biktima sa Room 103 ng The Lake Hotel, sa Brgy. Maharlika West, Tagaytay City, Cavite.
Sa ulat, 12:30 ng hapon nang umakyat ang staff na si Allan Manza sa Room 103 upang pagsabihan ang mga occupants hinggil sa nakatakda nilang check-out subali’t pagbukas nito ng pinto tumambad ang dalawa na wala ng buhay na nakadapa.
Isasailalim ang bangkay ng mga biktima sa awtopsiya upang malaman ang sanhi ng kanilang pagkamatay.
Sa kasalukuyan, tikom pa rin ang kapulisan na magbigay pa ng anumang detalye hinggil sa pagkamatay ng mga biktima.
Tinawagan ang Public Information Office (PIO) ng Cavite Police Provincial Office (PPO) gayunman sinabing naghihintay din sila sa detalye na ibibigay sa kanila ng Tagaytay Police Station habang ongoing pa ang isinasagawang imbestigasyon.
Tumanggi rin ang Hepe ng Tagaytay City Police Station na sagutin ang mga tawag ng mga mamamahayag.(Irine Gascon)