Advertisers
Timbog ang isang lalaki na nanghalay sa kanyang pinsan at nagtago ng 17 taon sa Tarlac City nitong Lunes.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nagkasama ang dalawa sa isang apartment noong 2006 at doon pinuwersa ng lalaki ang kanyang pinsan para makipagtalik.
Sa bisa ng warrant of arrest, nahuli ng Manila Police District (MPD) ang suspek na tinuturing na Most Wanted Person.
“He’s been hiding for 17 years at mula nung nangyaring ito, nagtago siya sa iba’t ibang lugar at finally na track down ng mga operatiba natin,” sabi ni MPD Director P/BGen. Arnold Thomas Ibay.
Agad na ibiniyahe sa Maynila ang suspek para harapin ang kanyang kaso.
“Nahuli natin siya through social media exploitation. Nag cyber patrolling tayo hanggang na track natin kung saan nagtatago itong suspek natin kaya pinuntahan at nahuli ng ating mga operatiba,” sabi ni Ibay.(Jocelyn Domenden)