Advertisers
Ninakawan ng dating empleyado ang isang fast food restaurant sa Carmona City, Cavite noong Lunes ng gabi, Hulyo 8.
Inilarawan ang suspek base sa footage ng Closed Circuit Television (CCTV) na nakasuot ng jacket, naka-jogging pants at naka-sandal.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Carmona Municipal Police Station (MPS) na base sa kuha ng CCTV, Lunes ng gabi nang pasukin ng ‘di nakikilalang suspek ang Mang Inasal sa loob ng Waltermart sa Brgy. Mabuhay, Carmona City, Cavite at nagtago ang suspek sa chiller ng establisyimento 9:38 ng gabi at 10:16 ng gabi, lumabas ang suspek sa pinagtataguan at nagtungo sa opisina ng tindahan upang sirain ang vault at ninakawa ang P91,505.
At Martes na ng umaga nang ipagbigay-alam sa Carmona City Police Station, ng pamunuan ang nangyaring panloloob.
Tumakas ang suspek na naglalakad patungo sa direksyon ng Biñan, Laguna pero nahuli rin kalaunan. Nabawi rin mula sa suspek ang perang ninakaw.
Nasa kustodiya na ngayon ng Carmona MPS ang suspek at nahaharap sa kasong robbery.