Advertisers

Advertisers

4 construction workers nalibing ng buhay sa Antipolo

0 16

Advertisers

Nasawi ang 4 construction workers at tatlo ang nakaligtas sa landslide sa isang construction site sa isang subdibisyon sa Barangay Dela Paz, Antipolo City nitong Miyerkoles.

Ayon kay Relly Bernardo, Public Information Officer ng Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nangyari ang insidente 3:30 ng hapon nitong Miyerkoles.

“Pito po ‘yung natabunan, agaran po nagpunta sa site ang ating city rescue, barangay rescue at PNP na search and rescue din para po pagtulungan po,” sabi ni Bernardo.



Natapos ang kanilang rescue at retrieval operations, 6:00 ng gabi nitong Miyerkoles.

“Apat po sa kanila ang code black. Code black po is patay na po, tatlo ang nabuhay. Iyong dalawa po ay agarang dinala sa pampublikong ospital ng Antipolo. Iyong isa naman po tumanggi naman po magpadala sa ospital,” dagdag niya.

Sabi ni Bernardo, may kaukulang dokumento at permit ang may-ari ng bahay para sa konstruksyon, pero iimbestigahan pa rin aniya ng lokal na pamahalaan kung may kakulungan ba sa panig ng contractor.

“Yung po tinatayong building naman po ay with permit so nandun din naman po ‘yung sa Office of the Building Official, kahapon para po tingnan kung ano po yung nangyari. Kung may mga ano po ba, kasi syempre approved plan po yan so iniimbestigahn po nila kung may lapses on the part of the contractor etc. That we do not have details pa po,” aniya.
Nakausap na rin anila ang may-ari ng bahay na handang magbigay ng tulong sa mga biktima.

“Yung owner ng bahay na itinatayo kung saan po nangyari ang insidente ay sasagutin po o tutulong po sa pamilya ng biktima,” dagdag ni Bernardo.



“The entire operation only lasted for two hours,” ayon naman sa Antipolo City Fire Station.

Sinabi ng Antipolo City Fire Station na nangyari ang landslide sa Brgy. Dela Paz.

Ayon pa sa Antipolo City Fire Station, itinurn-over na sa Antipolo City Police Station ang insidente ng landslide para sa karagdagang imbestigasyon.(Edwin Moreno)