Advertisers

Advertisers

Higit 53,000 Manileño makikinabang sa SAP ngayong buwan

0 15

Advertisers

MAHIGIT 53,000 Manileño ang makikinabang sa social amelioration program (SAP) ng city government ngayong buwan.

Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na ngayong buwan ng Hulyo, ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng social welfare department ng lungsod at ng hepe nito na si Re Fugoso ay mamamahagi ng monthly allowances sa ilang sektor sa ilalim ng SAP, na ipinasa ng Manila City Council sa panahon ni Lacuna bilang Presiding Officer.

Ang mga sektor na ito ay kinabibilangan ng persons with disablity (PWDs), solo parents at minors with disablity (MWDs) na idinagdag sa listahan ng mga recipients kamakailan.



Ayon kay Lacuna, ang mga beneficiaries ay tatanggap ng kanilang cash allowances na P3,000 bawat isa para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo na P500 kada buwan.

Ang kabuuang bilang ng mga tatanggap ay 53,124 habang ang kabuuang halaga ng ipamimigay ay mahigit P157 million .

Nanawagan si Lacuna sa mga recipients na gamitin ang pera sa maayos na paraan at huwag gamitin sa bisyo.

Ang mga beneficiaries ay binubuo ng 35,235 PWDs, kabuuang 3820 MWDs at 14,069 solo parents.

Maaaring hindi man kalakihan ang halaga, ayon sa alkalde, ito naman ang paraan ng pamahalaang lungsod sa pagpapakita ng malasakit sa mga residente upang kahit papano ay matulungan sila sa kanilang kalagayan.



Hinikayat din ng alkalde ang mga recipients na bisitahin ang DSWD Manila’s Facebook page o magtanong sa kanilang mga barangay kung paano makukuha ang nasabing benepisyo. (ANDI GARCIA)