Advertisers

Advertisers

Shabu dealer pumalag sa drug ops bulagata

0 6

Advertisers

Napatay ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency si Haider Ali Dimacisil ng manlaban nang bentahan sila ng P340,000 halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion II sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Huwebes, July 11, 2024.

Aarestuhin na sana ng mga agents ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao si Dimacisil ngunit bumunot ito ng baril ng nahalatang mga anti-narcotics agents ang kanyang nabentahan ng shabu.



Isang PDEA-BARMM agent ang sugatan sa palitan ng putok na nagsanhi sa pagkamatay ni Dimacisil.

Sa pahayag nitong Biyernes ni PDEA-BARMM Director Gil Cesario Castro, nagtutulungan na ang kanilang mga agents, ang Shariff Aguak local government unit at pulisya na kilalanin ang mga kasabwat ng napatay na si Dimacisil sa pagbebenta ng shabu sa naturang bayan at mga karatig na lugar.