Advertisers

Advertisers

Marami ang katulad ni Alice Gou

0 22

Advertisers

MARAMI pa ang katulad ni Alice Gou na isang pekeng Filipino na nakapasok sa politika sa Pilipinas.

Kung talagang lilinisin ng gobyerno sa mga pekeng Pinoy ang politika sa Pilipinas, tiyak maraming katulad ni Alice Gou ang mabubunyag at masisibak sa gobyerno.

Simulan sa mga mayor, himayin ang pagkatao at pinanggalingang pamilya ng mga singkit na alkalde na baluktot managalog. Tiyak marami dyan ang mahuhubaran ng maskara.



Gayundin sa kongreso, maraming mambabatas ang mga pekeng Pinoy, na nabubulgar lang kapag nagkaroon ng mga imbestigasyon. Natatandaan n’yo ba si Harry Angping ng Maynila? Halos natapos niya ang kanyang tatlong termino bilang mambabatas bago nabuking na isang Chinese citizen nang balak tumakbong mayor. Ang kanyang misis, si Zenaida, ang tunay na Filipino at nakapasok din sa politika.

Tatakbo raw mayor ngayon si Zenaida Angping.



Sa mga gobernador, maraming Intsik. Bakit hindi silipin ang kanilang pinanggalingan kung tunay nga ba silang Pinoy o pinanday lang para maging Pinoy. Sa Davao City kasi ay may isang munisipyo na gumagawa ng birth certificate ng mga Chinese para maging Filipino. Tig-P300,000 daw ang bayad!

Sa Senado, kung kakalkalin mo ang citizenship ng ilang Senador dyan na anak ng mga Intsik, malamang may mabubunyag din na pekeng Pinoy na Senador. Check n’yo nga, Senador Win!



***

Kamakailan, nabunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang higit 200 Intsik na nakakuha ng birth certificate sa Davao.

Karamihan ng mga Intsik na ito ay nagtatrabaho sa POGO sa Luzon.

Dapat palawakin pa ni NBI Director, retired Judge Santiago, ang pag-iimbestiga sa mga munisipyo na gumagawa ng birth certificate ng mga Chinese, hindi lang sa Davao.

Teka, ano ba ang ginagawa ng Bureau of Immigration at napakadali silang nalulusutan ng mga Intsik, na iligal na pumapasok at nagtatrabaho sa bansa. Magkano ang rason, Commissioner Norman Tangsingco?

Napakarami kasing tiwali sa ating immigration lalo nung termino ni Duterte. Naku!!!

***

Lamang at mainit ngayon ang isyu sa POGO, bakit ang POGO na nakatayo sa malawak na Island Cove sa Cavite ay hindi yata nagagalaw?

Puros Intsik na raw ang nakatira ngayon sa Island Cove na dating pag-aari ng pamilya Remulla, nina Justice Secretary Boying at Governor Jonvic.

Kaya siguro hindi magalaw-galaw ang Island Cove dahil narin sa proteksyon ng mga kaalyado ni Pangulong Marcos, Jr.. Mismo!

***

Umiikot ngayon ang tumbong ng mga dating opisyal ni Duterte sa unti-unting pakakabunyag ng mga nagawa nilang katiwalian noong nasa puwesto ang kanilang “Tatay”.

Tulad ni Harry Roque, ang dating tagapagsalita ni Digong Duterte, nagkakandautal na sa pagsalag sa mga isyu laban sa kanya. Baka ma-disbar pa ito ‘pag nagkataon. Subaybayan!