Advertisers

Advertisers

MILYONES NA PCSO STL REMITTANCE SA BATANGAS LUSAW SA DRUG GAMBLING OPS; CONGRESSIONAL INQUIRY VS STL BOOKIES SA CALABARZO ‘WA EPEK!

0 1,273

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

SA isinagawang pagsisiyasat ng House Committee on Public Order and Safety na pinamunuan ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez at Vice-Chair Rep. Romeo Acop ng Rizal ay natutukan ang talamak na Small Town Lottery (STL) bookies operation sa CALABARZON partikular sa Lipa City, isa sa sentro ng ipinagbabawal na STL bookies, at iba pang lugar na dahilan ng pagkalusaw ng milyones na remittance ng regulated gambling ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa datus ni PNP Region 4A Director Paul Kenneth Lucas, pumapangalawa lamang noong buwan ng Marso 2024 ang lalawigan ng Batangas sa may palasak na STL bookies operation sa CALABARZON, kasunod ng Laguna. Ang siyudad ng Lipa na may 72 barangays ang isa sa may pinaka-malalang problema sa bookies operation.



Ayon sa CALABARZON-based Anti-Crime and Vice-Crusader, sa magkakasunod na panukala ng Kamara sa House Resolution 1566 at House Resolution 1549, kinuwestyon ng mga mambabatas ang kakulangan ng aksyon ng PNP at PCSO sa mga paglabag ng Authorized Agent Corporations (AACs), karamihan ay kasabwat pa ng mga big time STL bookies operator.

Ayon naman sa tanggapan ng PNP Directorate for Operation, mas pinatindi nila ang kanilang kampanya laban sa illegal gambling sa buong bansa sa bisa ng ‘Operation High Roller’.

Kailangang magpursigi si Batangas PNP Provincial Director, Colonel Jacinto “Jack” Malinao Jr., na ipatupad ang naturang anti-gambling drive, ayon sa Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB).

Kumpirmado naman ng MKKB na lalong lumala at garapalan ang operasyon ng STL bookies na sinasabayan pa ng pagbebenta ng “shabu” ng maraming kubrador at kabo ng sindikatong Lipa City “Big 4”.

Binubuo ang “Big 4” nina alyas Ana Tomboy, Gary, Icaro, Kap Lescano, Kap Randy at mga alipores na sina alyas Boy Recto, Topher Taba, PJay, Tabo Mendoza, Lorenz, Lacorte, Kap August, Ka Carling, Maliwanag, Haji, Aiza, Kap Fernan, Kap Juanita, Kap Boyet, Kap Gonzales, Saavedra, Erros at iba pang gambling con drug maintainer.



Kumukubra ng higit sa P2.5 million na taya kada bola ng STL, o higit sa P7.5m sa tatlong STL draw bawat araw sa naturang siyudad.

May tatlong dekada namang nag-o-operate ng “monte joint” ang isang alyas Samson sa T.M. Kalaw Street, Brgy. 3, Lipa City, ngunit walang aksyon rito sina Lipa City police chief LtColonel Rix Villareal at Mayor Eric Africa laban sa mga naturang gambling/drug operator.

May 35 STL con drug operators din ang nag-o-operate sa 48 barangays sa Tanauan City, at may kubransang higit din sa P7m sa tatlong bola kada araw.

Ilan lamang sa mga gambling con drug operator sa siyudad ni Tanauan City Mayor Sonny Collantes ay sina Ocampo, Dimapilis, Ablao, Montilla, Anghel, Lawin, Kon.Burgos, Rodel, Gerry, Ms. Bagsic, Cristy, Anabel, Lilian at iba pa.

Bukod sa pagiging bookies maintainer si Ocampo ay isa din itong “police tong collector” at nagpapatakbo ng mga sakla den sa mga barangay Bagbag, Altura, Pantay na Bata, Ulango, Balele at maging sa Poblacion, kasosyo ang isang alyas Baduy. Ngunit tila inutil din sa pagsugpo nito sina Mayor Collantes at Police chief LtCol. Apolinar Lunar, Jr.

Sa mga bayan ng Lemery at San Luis, isang alyas Ricalde na kapanalig nina Mayor Ian Kenneth Alilio at Mayor Oscarlito Hernandez ang nagpapatakbo ng STL bookies na may kubransang P 2.5m araw-araw.

Maliban sa pagpapatakbo ng kaparehong ilegal na sugal sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna at Quezon, kilala din si Ricalde sa kalakalan ng droga.

Ang ambisyoso at talunang kongresista naman na si alyas Mr. Mike Romantiko ang nagpapatakbo ng STL bookies at mga saklaan sa bayan ng Padre Garcia. Tagapamahala ni Mr. Mike Romantiko sa kanyang mga pasugalan ang bilas nitong si alyas Nonit at ang katropa nitong kristo sa sabungan.

Sa bayan ng Malvar ay sina Raffy, Nestor, Janog at Lito ang STL bookies maintainer, habang isang Glenda ang nag-ooperate ng permanenteng sugalan o puesto pijo na may shabuhan at putahan sa Brgy. Santiago.

Sa karatig na bayan ng Balete ay isang Ocampo at mga municipal government employee na sina Deo at Jeff ang bookies operators; sa Calatagan ay sina Palacio at Hapon; sa Talisay, Agoncillo, Alitagtag, Sta. Teresita, San Nicolas, Calatagan, Tuy, Lobo at Mabini ay si Hapon alyas Jap Reyes; at sa Ibaan naman ay si Manny.

Higit pa sa P10m ang hindi naire-remit sa PCSO mula sa mga STL operation sa mga naturang bayan at sa halip ay inilalaban sa bookies o jueteng ng mga naturang gambling operator.

Kupirmado ni dating Senador Panfilo Lacson sa isang senate inquiry na ‘di kukulangin sa P48 billion taon-taon ang napapasakamay ng gambling lords, sa halip na pakinabangan ito ng pamahalaan.