Advertisers
Arestado ang isa sa mga notoryus na lider ng drug group sa Nueva Ecija sa pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA3) – Nueva Ecija Provincial Office at lokal na kapulisan sa kahabaan ng Brgy. Marcos Village.
Kinilala ang drug leader na si Elizalde Vicente, 49-anyos ng Zaldy Drug group.
Nasamsam ang apat na pirasong sachet ng hinihinalang shabu na halos 20 gramo.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Art II of RA 9165 ang suspek.