Advertisers

Advertisers

2 tulak bulagta sa buy-bust

0 268

Advertisers

Patay ang dalawang tulak ng droga nang manlaban sa mga awtoridad sa ginawang buy-bust operation sa Davao City.
Kinilala ang mga namatay na sina Jan-Jan Cawati, alyas Tata Polinar, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Madaum, Tagum City at Jan Carlo Bermudez, alyas Adam, 28, nakatira sa Purok 18-Santan, Suaybaguio, Brgy. North, Tagum City.
Batay sa report ng Tagum City Police Station, bandang 4:00 p.m. kamakalawa nang isagawa ang operasyon sa Purok Orchids, Brgy. Mankilam, Tagum City.
Ayon sa Tagum Police, katuwang ang Regional Drug Enforcement Unit Region, isinailalim nila sa monitoring ang mga suspek at nang magpositibo ay inilatag ang entrapment operation laban sa dalawa.
Isa sa mga ahente ng PDEA ang nagpanggap na buyer at nakabili ang mga ito ng P12,000.00 halaga ng pinaniniwalaang shabu.
Matapos ang transaksyon, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang parokyano kaya bumunot ng baril ang mga ito at nagpaputok.
Napilitang gumanti ang mga operatiba at pinaputukan ang mga suspek na nauwi sa barilan.
Tumimbuwang ang mga suspek at nasamsam ang 81 gramo ng shabu na nagkakahalagang P1,296,000 at .45 kalibreng baril.