Advertisers
Nadakip ang apat na Japanese national, na pawang mga takas dahil sangkot umano sa extortion at telecom fraud syndicate sa Parañaque City.
Ayon sa tanggapan ni Police Major General Melencio Nartatez, director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), kinilala ang mga fugitive na sina Sawada Masaya; Suzuki Seiji, 29; Ueda Koji, 27; at Kiyohara Jun, 29.
Nabatid na unang nadakip nang pinagsanib puwersa ng NCRPO, Bureau of Immigration Fugitive Search Unit, Aviation Security Unit- NCR at Japanese Embassy si Masaya nitong Martes ng hapon sa NAIA Terminal 3 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Hisashi Takeuchi, Omiya Summary Court, Japan.
Samantala, sa isang follow-up operation ay nadakip naman ang tatlo pa sa kanilang tinutuluyan sa Jakarta Street, BF Homes, Parañaque City.
Kung saan naabutan ang mga ito ng mga awtoridad na naghahanda na sa kanilang pagtakas.
Sa report, na fugitive mula sa Japan ang apat na Hapones, kung saan sangkot ang mga ito sa extortion at telecom fraud syndicate sa Cambodia.
Dahil na rin sa intelligence report at pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Japan sa gobyerno ng Pilipinas, dahilan upang masakote ang mga ito.(Gaynor Bonilla)